Passport Renewal in Kuwait (Step-By-Step)

My title
Noong nakaraang linggo ako ay nagtungo sa bagong lokasyon ng Philippine Embassy sa Kuwait na matatagpuan sa Al-Siddiq Area, Block 1, 101 Street para sa renewal ng aking passport. Ilalahad ko ang aking experience base sa pagkakasunod-sunod.

 Bago ang lahat ito muna ang mga Requirements para sa Passport Renewal/ Extension (KD 19.5 for renewal; KD 6.5 for extension As of 2017)

  • Personal appearance Duly filled-up passport application and /or extension form Original passport Photocopy ng passport data page at last page 
  • Photocopy ng Kuwait residence visa, kung mayroon. 
  • Those whose passports are about to expire within the next 6 months, or whose Kuwait residence visas are about to expire within one year from the date of expiry of the passport, should apply for EXTENSION and RENEWAL of their passport in order to avoid any lapse in the validity of their passports and payment of immigration penalty.
  • Use BLACK INK in filling up the passport application form. 
  • Passports that have expired for more than one year may no longer be extended The validity of passports may only be extended once Upon receiving the new passport, the Kuwait residence visa must be IMMEDIATELY TRANSFERRED to avoid immigration penalties 

See: Philippine Embassy-Kuwait Consular Services

 Step 1: Magtungo sa reception at sabihin ang pakay, titingnan ang yung passport at bibigyan ka ng iilang forms na kailangan mong i-fill up .Ang mga forms na ito ay ang mga sumusunod;
         
                  a.) Passport Application Form
                  b.) Voter's Registration Form (Para ikaw ay formal na marehistro bilang isang absentee voter sa kadahilanang ikaw ay isang ofw at para na rin makalahok ka sa pagboto dito sa Kuwait tuwing eleksyon sa Pilipinas.)
                  c.) Passport Extension Form (Ito ay para lamang doon sa mga kukuha ng extension para sa kanilang pasaporte or doon sa mga malapit ng ma-expire ang Visa/Residency kung saan hindi na aabot sa pagtanggap ng bagong pasaporte.)
                  d.) Survey Form (Para sa mga komento base sa inyong experience sa pagproseso na inyong papeles.) Siguraduhing tama at tugma ang mga impormasyong nilagay para maiwasang maabala sa mga susunod pang proseso. Pagkatapos i-fill up bumalik sa reception para makakuha ng priority number. Umupo at hintaying tawagin ang numero para sa step 2.

  Step 2: Interview, ito ay napakabilis lang na proseso base sa aking karanasan, wala namang itatanong sayo maliban na lamang kung may nakita silang anomalya sa iyong passport or  any consular cases. Bibigyan ka ng breakdown of expenses na siya na ring magsisilbing resebo mo na iyong dadalhin at ipapakita sa step 3.

  Step 3: Payment/Cashier, Ipakita ang resebo na binigay sayo mula sa step 2 at ihanda ang pambayad (KD 19.5 para sa renewal at KD 6.5 para sa extension).

  Step 4: Data Encoding and Biometrics, i-encode ang mga impormasyon tungkol sayo at kukunan ka ng litrato, fingerprint at pirma. (Note: ipapareview sayo ng encoder ang mga impormasyong nasa computer kaya Bago umalis siguraduhing tama ang mga na-encode para iwas aberya sa  iyong passport). Ibigay ang lahat ng papeles na hawak mo maliban sa iyong original passport, resebo (Kakailanganin mo ulit mga ito sa pagkuha ng iyong bagong passport ) at Voter's Registration form.

   Step 5: Voter's Registration, Ang huling proseso na sa aking palagay ay optional nalang para sa iyo kung gusto mong maki-isa at makilahok sa mga susunod na halalan sa Pilipinas habang ikaw ay nandito sa ibang bansa. Kung sakaling gugustuhin mo, ikaw ay Kukunan ng biometrics para sa iyong Absentee Voter's ID.


http://TheMiniPay.com/?ref=363075

Maraming Salamat at Nawa'y makatulong ito sa mga kababayan kung OFW dito sa bansang Kuwait. Mabuhay po Kayo!

Prologue  Love is a strange thing. As strange as a secret, when both combined together is peculiar. I am Belle, I am a mistress and this is ...